Last February 21, 2010 for an unexpected situation, bigla na lang akong na-involve sa isang spiritual vow with my boyfriend. Sa sarili ko, mahal ko siya. Sa sarili ko alam kong gusto ko siyang maging asawa ko pero sa sarili ko rin alam ko na hindi ang katulad niya ang gusto kong mapangasawa. Confusing ba? Siguro.
Ang gusto ko lang sabihin ay ang lalaking gusto kong maging asawa ay yung lalaki na may stable job, na responsable, somebody na pinaghahandaan ang hinaharap, may initiative hindi yung taong kailangan pang payuhan ng maraming tao bago magkaroon ng realization.
When I met, Jeffrey, I was so happy kase I was so ready to be his girlfriend. I was so excited then to love him and was excited to be loved back. Kaso may asawa na pala siya so obviously hindi ganon ang nangyari kase no matter what he tried to make me feel secure... the moment I found out about his Daisy, I lost confidence in him.
Dumaan pa ang ilang taon, lalo kaming nalubog sa mga problema, nadagdagan pa dahil sa epekto ng alak sa kanya. Madalas kameng mag-away, magkasakitan. Naging monster ako. He brought out the worst in me, instead of the best.
Hindi ko alam, bakit nagkaganon. Akala ko, nagmamahal ako, akala ko minamahal ako pero I just came to realize na hindi pala, kasi nananakit na pala ako at nasasaktan na ako.
May dalawang anak na babae si Jeffrey. Dalawang batang sa paningin ng marami ay inosente. Gusto kong paniwalaan. Hindi ko magawa. Sinubukan ko, balewala. Pakiramdam ko... inabuso nila ako. They help create a monster in me.
I tried to be a mother to them kase iyon ang kailangan nila kahit na kahit kailan hindi pa ako nagiging ganap na ina. I tried to be a wife to Jeffrey kahit pa kailan, hindi pa ako nagiging asawa, dahil sa paniniwala kong kaya kong punan ang nawala sa kanya. Pero I ended up unhappy.
Ilang beses na nga ba kaming naghiwalay? Ilang pagkakataon na ba naming hiniling na malimutan ang isa't isa. MARAMING ULIT NA. Maraming ulit na balewala kasi hindi pa rin kami natututo...
Ngayon... binibigay ko sa kanya ang buong panahon para ituwid ang lahat. Sana pagdating ng panahon na iyon ay hindi pa huli ang lahat.
No comments:
Post a Comment