Monday, March 8, 2010

Broken Vow

Last February 21, 2010 for an unexpected situation, bigla na lang akong na-involve sa isang spiritual vow with my boyfriend. Sa sarili ko, mahal ko siya. Sa sarili ko alam kong gusto ko siyang maging asawa ko pero sa sarili ko rin alam ko na hindi ang katulad niya ang gusto kong mapangasawa. Confusing ba? Siguro.










Ang gusto ko lang sabihin ay ang lalaking gusto kong maging asawa ay yung lalaki na may stable job, na responsable, somebody na pinaghahandaan ang hinaharap, may initiative hindi yung taong kailangan pang payuhan ng maraming tao bago magkaroon ng realization.









When I met, Jeffrey, I was so happy kase I was so ready to be his girlfriend. I was so excited then to love him and was excited to be loved back. Kaso may asawa na pala siya so obviously hindi ganon ang nangyari kase no matter what he tried to make me feel secure... the moment I found out about his Daisy, I lost confidence in him.









Dumaan pa ang ilang taon, lalo kaming nalubog sa mga problema, nadagdagan pa dahil sa epekto ng alak sa kanya. Madalas kameng mag-away, magkasakitan. Naging monster ako. He brought out the worst in me, instead of the best.







Hindi ko alam, bakit nagkaganon. Akala ko, nagmamahal ako, akala ko minamahal ako pero I just came to realize na hindi pala, kasi nananakit na pala ako at nasasaktan na ako.







May dalawang anak na babae si Jeffrey. Dalawang batang sa paningin ng marami ay inosente. Gusto kong paniwalaan. Hindi ko magawa. Sinubukan ko, balewala. Pakiramdam ko... inabuso nila ako. They help create a monster in me.







I tried to be a mother to them kase iyon ang kailangan nila kahit na kahit kailan hindi pa ako nagiging ganap na ina. I tried to be a wife to Jeffrey kahit pa kailan, hindi pa ako nagiging asawa, dahil sa paniniwala kong kaya kong punan ang nawala sa kanya. Pero I ended up unhappy.







Ilang beses na nga ba kaming naghiwalay? Ilang pagkakataon na ba naming hiniling na malimutan ang isa't isa. MARAMING ULIT NA. Maraming ulit na balewala kasi hindi pa rin kami natututo...







Ngayon... binibigay ko sa kanya ang buong panahon para ituwid ang lahat. Sana pagdating ng panahon na iyon ay hindi pa huli ang lahat.

Sunday, October 4, 2009

What if you lost your job?

Alarming siguro sa iba ang mawalan ng trabaho, lalo na sa mga pamilyadong empleyado. Pero paano nga kaya if you lost your job? How will you survive?


Last September 26, 2009 mga bandang alas 9 y medya ng umaga pinatawag ako ng manager ko at kinausap ng masinsinan tungkol sa trabaho ko. According to him, I should not come back to work the night of the same date. I thought of the words WHY? AKEN? NGANO? BAKIN? BAKET?


Pare-pareho lang kahulugan ng lahat ng salitang naisip ko ng sandaling yon, pero sa anumang dayalekto ko itanong, wala akong makuhang malinaw na sagot.


April 2009, pinapirma kame ng PERFORMANCE AGREEMENT FORM na nagsasabi na pwedeng i-modify ng management from time to time ang mga rules nito, na nagsasabing sinasang-ayunan ko at ng iba pang mga pumirma na sang-ayon kame sa bagong panuntunan ng bawat empleyado hinggil sa kanilang performance, na kapag hindi namen na-meet ang panuntunang iyon eh pu-pwede kameng isuspindi, i-terminate/i-dismiss ng kumpanya.


Sabi ng manager ko, hindi ko raw naabot ang proficiency level ng VERSANT exam. Sabi niya, requirement daw yon ng kliyente namen. Ang hindi ko maintindihan kung bakit, nagtagal ako sa kumpanya ng halos apat na taon, na walang problema, tapos sa isang iglap sasabihan akong hindi fit sa trabaho dahil lang sa NON-PROF ako sa VERSANT.


Nakapasok ako ng kumpanya nang hindi dumadaan sa VERSANT exam na yon, nami-meet ko ang numbers na sine-set nila as GOAL pero paanong ang isang bagay na hindi ko naman kinailangan para mapasok ang kumpanya at para magtagal sa kumpanya ay naging dahilan para mawala sa akin ang serbisyo ng kumpanya?

From what I know, kalakip sa agreement na pinirmahan ko, I am entitled to undergo another set of training and another exam. Pero hindi na ako pinayagang mag-undergo pa don. Tinrato akong parang probationary agent. Walang maliwanag na sagot na makuha sa mga taong dapat mas nakakaalam ng proseso.


Hindi raw ako terminated, dismissed or suspended. I'm on a lateral transfer daw, actually kameng lahat na hindi malaman kung ano ang real status sa kumpanya. Pero if we're on a lateral transfer, bakit kailangan namen mag-undergo sa application procedure sa ibang sites ng same company? Di ba dapat i-transfer lang kame as is?


I didn't lose my job totally. I lost my routine lang. I am positively taking all these challenges. Sana matagalan ko pa.

Friday, August 28, 2009

Social Climbing is CANCEROUS!!!

Kawawa naman yung mga taong, nabubuhay sa pagpapanggap just to create an impression na mariwasa sila sa buhay or nakakataas sila sa iba...
Nagpapaka-maka-DIYOS kuno, pero ang asal eh talo pa ang mga walang pinag-aralan. Malutong kung magmura, expert sa panlalait sa itsura ng iba, kala mo kapag nagsalita, "know it all" but when you try to comprehend kung ano pinagsasabi nila... NOTHING AT ALL. 
Bakit ba kailangang magmukhang MAYAMAN ng isang tao, o magmukhang edukado o magmukhang MAY MUKHA? Para ba masabing sikat, para masabing IBA? o para lalong magmukhang talunan?
There's this somebody who wants to create an impression na SHE'S AFFLUENT, HE'S A WELL-PAID EMPLOYEE, THEY HAVE A HAPPY FAMILY. When in fact it's all but a DAY DREAM. Hindi sila mayaman, dumidikit lang sa MAYAMAN, hindi sila BIGTIME ENTREPRENEUR... palabas lang pala. Hindi rin sila MASAYA... kasi if YOU'RE A REAL HAPPY PERSON, hindi magmumula ang KALIGAYAHAN mo sa PAGPAPANGGAP... 
I just thought that like cancer ang pagiging social climber, nakakabahala... baka kase mamaya STAGE4 kana pala... hindi mo pa alam, last thing you'll know ipinagdadasal ka na lang ng mga nagmamahal sa'yo na gumaling ka pa.

Wednesday, August 26, 2009

Mahirap maging freelance writer...


Haaay... I know someone na nagtatrabaho for a politician para sa silent campaign nito sa pagka- Presidente... siyempre kasama sa pagpapabango ng pangalan ang pagpapalawak ng contacts, pagpapakilala sa mga botante... in short kailangan ng malawakang advertisement... kung hindi maabot ng tv at radyo... idaan sa tanan... KOMIKS!!!
Gaano ba kahirap maging komiks writer? Aba siguro kung may nakakabasa na komikero sa blog kong ito, ang isasagot sa akin eh... kung gaano kahirap magluwal ng sanggol mula sa sinapupunan ng ina... as in ganon kahirap!

Oo, mahirap talaga. Katulad ng pagbubuntis (kunwari, nabuntis na ako!), iba-iba ang style diyan. May iba, naglilihi sa pagkain, yung iba sa artista, yung iba may kakaibang ginagawa o sabihin na nating ritwal, samantalang yung iba, parang normal lang o parang hindi buntis, mamamalayan mo na lang, may dala ng bata. Minsan nga hindi mo nakitang lumobo ang tiyan, hindi naghurumintado nung nagle-labor, parang umihi lang nung umiri at maya-maya may sanggol nang umiiyak kang maririnig.
Katulad ng isang komiks writer, hindi ka basta na lang mag-dedeklarang may kuwento ka na... dahil hindi ka pwedeng mag-ampon ng kwentong kung paanong ang pagiging ina ay hindi magkakasaysay kung hindi mo mismo iniluwal ang sanggol mula sa iyong sariling puwerta.

Pagkatapos mong mag-isip, susubukan mong isulat. Magkakamali't magkakamali ka sa umpisa, magbabawas at magdadagdag ka ng salita, hindi pwedeng hindi. Manunulat ka, hindi DIYOS. 

Hindi pa natatapos doon ang lahat, sasalain pa yan ng pagpapasahan mo... sa mga panahong ito para kang tangang naghihintay ng sasabihin nila, kung pasado ba o hindi ang likha mo.

Ang masakit pa diyan, tapos ka na sa trabaho... wala ka pang bayad. Hindi alam kailan ka mababayaran. Kung babayaran ka pa nga ba. "Sulat ka nang sulat... hindi naman sila nagbabayad." 

Hanggang kailan ba tatratuhin ng ganito ang mga freelance writer? Ang mga komikero sa madaling salita. Dahil ba nanggaling sa komiks, automatic, petiks agad ang treatment sa mode of payment? 

"Hindi dapat ganon, kaya babaguhin naten." Pero I don't believe voting for Carlo J. Caparas for Senator, will help us. Sige Sir, sa'yo na ang karangalan bilang PAMBANSANG ALAGAD NG SINING, wag ka lang umupo sa SENADO. UTANG NA LOOB. 

Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ni Ginoong Caparas ngunit kung dahil sa isang parangal ay nakaladkad ang pangalan niya at nagmukha siyang manlilimos ng atensyon ng lipunan, wag na sana niyang pasukin ang magulong eksena sa senado, baka mamaya bawat Senador ay magkaroon ng "THE MOVIE" ang buhay at i-direct niyang parang Visconde. 

As a child, I learned about him because of the Massacre Films that he directed. Like
2003 The Cory Quirino Kidnap Story
1995 Kuratong Baleleng (Wilson Sorronda: Leader Kuratong Baleleng Solid Group)
1995 The Lilian Velez Story
1995 The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust
1994 The Untold Story: Vizconde Massacre 2 - God Have Mercy on Us
 . Diba puro madugo? Imagine, ANG ATING PAMBANSANG ALAGAD NG SINING ay DIRECTOR NG MGA MASSACRE... ahm... ano kayang batas ang magagawa niya kapag naging senador siya? Baka, batas ng pagiging libre ng komiks o panood ng massacre films... patay tayo diyan!

I just thought that... better luck next time na lang po!